BOWOWOWEE

Wednesday, November 22, 2006

NOVEMBER PAIN (PART 5 OF 5)

Hindi ako todo blast nung sa interview ko sa ACS kaya malamang sinabihan ako ng "well call you."

Balik eskwela the next day. May masamang balita:

na-dissolve ang isang class ko at na move ang isa. So 3 na lang subjects ko, magkakalayo pa. amputa. Conflict ito pag nagtrabaho ako.

I was thinking of adding more units and going full time. Tinext ko nanay at ate ko. Go daw. Buti pa daw mag-aral na lang daw ako. Tinanong ko pano finances, pano tuition, pano Meralco at tubig if wala akong trabaho. They were offering solutions na hindi ako sang-ayon.

Sabi ko sa sarili ko, the moment na makahanap ako ng trabaho, I will quit school if there's a conflict.

Priority ko ang pamilya ko.

So the next day punta ako Sutherland. Apply tayo.

Ay anak ng jueteng 10am ako nakarating dun. 3pm na hindi pa ako iniinterview!!! 5hours straight promise pare. 5 hours kami nakatunganga trying to be poised. Hindi pa ako naglulunch. mga kasama ko di pa nagbebreakfast. Tangna.

Then nung ininterview na kami I found out why: iisang babae lang ang gumagawa ng interview sa LAAAAHHHHHAAAAAATTTTT ng applicants! tangna! and if I heard her right, yung shift niya started at 12am! 12 mindnight! putangina! 3pm na niya ako nainterview! tangna 15hours straight na siya nagtatrabaho!

heto pa ang superpanalo: after the interview, exam daw. Tapos may lumabas na tiga-HR. Down daw ang server nila. Hindi sila makakapag-administer ng exam. balik daw bukas mga 4pm lahat ng scheduled for exam.

Out of instinct, pagkalabas ko ng building, naglakad ako papuntang convergys.

Pumasok.

Nag-apply.

Ininterview.

Ininterview ulit.

nakapag-exam na ako dati pero ipapag-exam ulit ako the next day but before I took the exam nilahad na sa kin lahat; sweldo, account, contracts, everything. I entered convergys before 5pm; I left the building at 8pm with a promise of a job.

I started today, Tuesday, November 21.

NOVEMBER PAIN (PART 4 OF 5)

KAPAG IKA'Y NAWALANG NG TRABAHO...

EH DI MAG-JOB HUNTING!!!

First stop: isang maliit na kumpanya ang naghahanap ng staff writer sa Salcedo Village, Makati.

Ayos. Kahit maliit lang sweldo, at least Makati. And at least interes ko ang magsulat.

Sumakay ako ng taxi para hindi maligaw. Lumiko kami sa LP Leviste St at hinanap yung Champaca Bldg. eh nasa corner lang pala siya nung lumiko kami at maliit lang sign niya kaya di ko nakita. Nung pagdating namin sa dulo bumaba na ako at naglakad pabalik. Ayun. Nakita ko rin.

Interview. 2 kaming nagaantay. Ako at isang applikante bilang videographer.

Ayos ito, sabi ko. Baka multimedia firm or ad agency.

Pagpasok ko sa loob, ininterview ako ng secretary / front desk na girl. The usual: tell me something about yourself, how long have you been working, etc etc etc. the usual HR questions. then the bomb dropped.

"Komportable ka ba magsulat ng mga adult materials? Kasi we are a publication that caters to an adult audience. Mga articles namin yung para sa FHM, mga sensual, parang ganoon... pero sa abroad pinupublish..."

Whoa. Adult material being exported?

Exam. May pic ng babae at lalaki na nakahubad. Buhat buhat ni lalaki si babae. walang pinapakitang malaswa.

Ang title at topic: SOMETHING REAL (AN ESSAY ABOUT HOMOSEXUALITY).

Tangna napapakamot na ako ng ulo a.

Nakita ko yung "production floor" nila. Mukhang call center bay. about 30-something na tao nakaharap sa computer, may suot na headset and typing. later may naririnig ako about yung SOHO Hotel daw sa makati.

Tinapos ko ang essay ko (i wrote about homosexuality and sensuality in the philosophical sense; mejo divine ang essay ko) at lumayas. tangna magiging porn writer pa yata ako.

So back to the call center list.

Pinaka-malapit na call center from the office na pinanggalingan ko: ACS.

Sabi sa akin mayroong 2 call centers in makati na parehong pangalan ay ACS. Advanced Contact Solutions sa RCBC Tower at may isa pa na sa may parang brown na building naka-base. Ayoko sa ACS at mayroong MCI account dun. kagagaling ko lang sa MCI na account at kailangan ko maghanap ng iba pang account. so pumunta ako sa ACS na brown na building, thinking that it's the one w/o the MCI account.

nagkamali ako. yung brown the building yung Advanced Contact Solutions. Yung may MCI account. yung iniiwasan ko. Next in line na ako sa interview nung malaman ko.

Tangama too late. Ituloy na natin ang pagaapply.

NOVEMBER PAIN (PART 3 OF 5)

Sa panahon na napuputangina ka buong mundo, tao ka lang at kakailanganin mo ng karamay.

Habang naglalakad papunta sa paradahan ng taxi naramdaman ko nagvibrate ang cell ko.

Miss call.

Hindi ko kilalang number.

Globe.

Biglang may nagtext.

"Rafa this is me-ann. Are you okay? What happened? Do you need someone to talk to? My lunchbreak is at 3am. Let's talk..." and something to that effect.

PUTANGINA. Iiwan-iwanan mo ako tapos ngayon your acting all concerned? Tangina.

Pero shempre d ko tinext un. kaya ang text ko sa kanya ay "..."

reply si gaga. "I just feel like you need someone right now... I'm here... I owe you at least that..."

DOUBLE PUTANGINA. I owe you at least that? So she's trying to be concerned out of utang na loob? anakngpanisnakaninnganamanoo...


So dumerecho ako ng UST at kasama si KC (hindi ko sya pinatulog hanggang magkaroon na ng araw) ay nilunod namin ang mga sarili namin sa iced tea. Funny. mga 10mins lang namin pinagusapan ang pagkatanggal ko sa trabaho. Tungkol sa pagsusulat, pilosopiya sa buhay, pagka-bitter niya sa kanyang ex at ang panlalandi niya sa isang bagong prospect. Ü

Pagkauwi ko ng bahay: "Tangna I need my resume."

NOVEMBER PAIN (PART 2 OF 5)

2nd week

Monday. November 13. Meron bang Monday the 13th?
3am pa ang shift ko ng Tuesday pero pumunta ako ng Monday ng 10pm dahil alam ko na nga ang hinaharap ko. Tangna. Matatanggal ako sa trabaho.
Pagdating ko ng opisina wala ang mga bossing ko. Meeting. Ayos. Tambay muna me.
Tinanong ng mga ka-team ko kung ano nangyari. Final na daw ba ang desisyon. Sabi ko ewan ko.
10:30 lumabas sila from the conference room. Si Cynthia, one of the supervisors na hindi ko naman ka-close pero araw-araw ko niyayakap ang hinahalikan para lang ma-tsansingan ay bigla akong niyakap na mahigpit. "Raaaaaffffaaaa!!!!" she screamed, sabay bulong, "Mamimiss kita."
Si Donnie, yung baguhan kong boss na ang unang taong iteterminate ay ako, nakipagkamayan sakin.
Si Sims, yung dating Quality Control Supervisor ng segment namin, bigla ako kinausap ukol sa kaso ko, sa plano ko. Bigla kinuha cellphone number ko. Eh tangna babae lang pinaguusapan namin nun biglang naging concerned at kinamayan ako! Ü
SUPERPANALOMOMENT: Si Me-Ann. Ex girlfriend ko na supervisor na. Nakasalubong ko. Sabi lang sakin, "Hi Rafa" sabay alis. anaknganamantalagangtokwaoo.
Nilapitan ko na yung manager na si Ron.
"So Ron, do I need to sign anything?"
He gives me a poker-faced look (Ron is an Amboy; bald, baby-faced, earring on the left ear and all.) "Sign anything for what?"
"My escalation. The newest one."
Trying to be pokerfaced-pero-nagsalubong-na-ang-kilay-look. "How'd you know about it?"
I laughed. "Dude, I was here last Saturday. I know where I stand."
Buntong-hininga na sapilitan lang. "I have to talk to Jill about it." (Jill is the Senior Manager, the Head Honcho, the Principal.)
Tangna, ilalaban pa ako nitong mokong na ito. "So I just wait?"
"yeah."
Para naman I could show that I appreciate his efforts, I offered to pay-off yung utang ko sa kanya na Starbucks (natalo ako sa pustahan). "By the way, I'm going down. Mocha Frappe?"
He blinks his eyes a couple of times and smiles. "Nah. I had 4 cups of coffee already." Tado.
So nagpunta me sa malapit na netshop at nanood ng YouTube for about 2hrs.
1:30am.
Balik sa opisina habang tumutugtog ang "3 Stars and a Sun" ni Francis M sa utak ko.
Lahat ng tao: "O Rafa ano nangyari?" "Rafa final na ba?" "Kinausap mo na?" "Hayaan mo yang mga yan; makakarma rin yan." "Tangna 'tol ingat ka."
Finally narinig ko ang hatol.
RON: Rafa! Follow me.
pumunta kami sa VA Lab (isang maliit na opisina na pwede gamiting ng kahit sino man for confidential conversations.)
*buntong-hininga* Rafa, tell me what happened... *makikinig sa explanation ko about kung paano nag-progress ang mga escalations ko.* When I entered the sales segment, I said that I was gonna bring it to number one, and now, it's gonna be too hard if you're not around *buntong-hininga ulit* Oh man this is hard *buntong-hininga ulit* Rafa, your employment with this company has been ended effective immediately... We actually filed a dispute on your case, but it wasn't granted so... Yeah, sign here... I'm gonna have to ask you to get your things and exit the premises immediately... Yeah sure you can get your stuff from the locker in a week or two... *buntong-hininga habang I was telling him na "Look man, you did what you could do. It's okay. I know what happened and I know where I stand. I thank you for going that far. i guess it's just time..."* Thanks... you're actually making this easier for me... I know with your skill and talent you'll go farther elsewhere... Hope I get to work with you again somplace... Take care man. *buntong-hininga ulit tapos tayayo*
Lakad derecho. Kunin ang bag. Hawakan sa balikat lahat ng kakilala at ibulong ang salitang "Salamat". Yumakap kay Me-Ann one last time. Wag pumansin ng kahit sinong tao habang palakad papuntang elevator. At umalis ng building. Sumakay ng taxi.
Paalam, CLG.

NOVEMBER PAIN (PART 1 OF 5)

it's been a crazy month for me so far...

FIRST WEEK:


It's enrollment time once again, and after about a week or two of stable sleep and lesser pressure, I braced myself once again for another semester of headaches. Of meeting deadlines. Of writing reports for professors who can't even speak English or Filipino straight. Of listening to lectures of people who don't take in to their hearts of what they're teaching and are just in for the job to pay their bills. Of traffic and schedules. Naknampucha, working student na naman ulit ako.

Heto na naman po ang mahabang pila. Ang mga classes at skeds na nakapaskil as "Open" and "Available" na biglang nadissolved pala. Ang pagpila sa kulang-sa-ventilation na lobby para magbayad. Ang maghanap ng pambayad.

I got off work before lunchtime and I went to Adamson on Nov 9, Thursday to enroll. Syempre pangalawang sem ko pa lang sa Adamson and wala naman talaga akong barkada or peer group doon, at hindi ko pa nakuha na tumambay lang around the campus, hindi ko alam ang enrollment procedures. Sabi ng babae sa gate kailangan daw naka-uniform. Pinauwi ako. Pakshet.

Friday. November 10. Bumalik ako sa Adamson wearing my complete uniform around 2pm. Last day of enrollment na kaya pinapapasok na nila ang mga hindi naka uniform at naghahabol. anaknganamanngtinapa.

Pumunta ako sa cashier's office to pay my previous balance. Ayos. 5minutes tapos na ako.

Next is registration for the next sem. Dahil nagbayad ako for the last sem hindi naging sapat ang budget ko for the upcoming sem. Pwede daw promissory note. Kausapin ko lang muna ang Finance Head.

No problem sana, kaso nasa meeting pa ng mga administrators ang Finance Head at mayroong at least 15 people inside the office naka pila para kausapin siya about promissory notes. Wala pa yan sa pila sa labas. Sabi ng stressed-pero-trying-to-be-poised na secretary na sulatan ko daw yung promissory note form at balik-balikan ko na lang. The time then was 2:30.

kumuha na ako ng list of subjects na pwede ko kunin. Sabi ko since nagpalipat ako sa ibang schedule I can take up more units. Kaso lahat ng units na kailangan ko pang-gabi. Hindi ako pwede mag-aral sa gabi dahil may pasok ako sa trabaho. So back to 4 subjects lang ako. Pwede na.

Bumalik ako ng 3pm. Hindi pa nakakabalik yung Administrator. Naghintay lang ako sa pila for about 40mins. Finally dumating yung Finance Head, kinuha lahat ng promissory note forms at pinirmahan isa-isa. it took her 5 minutes para pirmahan ang form ko and it took me almost an hour just to wait.

At heto na ang patakbo-takbo, from the Department's Head office para magpa-approve ng sked to pagpunta sa encoding para magparegister and sa cashier's ulit para magbayad. 5:20 natapos ako. Yes. Enrolled ako.

November 11. Saturday. Pumasok ako sa office. Ayos ang opisina pagpasok ko. 2 teams ang dapat maglo-login. Team 1 was logged in but wala yung Coach nila. Naka-leave. Team 2 kami. Kakapromote pa lang less than a week ng bago naming Coach. At sa unang weekend niya sa office, 2teams kagad ang papangunahan niya. Panalo.

Heto pa: Down nanaman ang server!!! Putangina might as well patayin na lang namin ang computer dahil scheduled na buong araw down ang server.

Superpanalopoints#3: Tinignan ko ang monitors. May bago akong monitor na pumasok. Tier Escalation na naman. Pang-lima na. Sa industriya namin sa call center, Tier Escalation means that you did something really really really stupid. And I did. Hindi ko nasabi lahat ng kailangan ko sabihin. One time it's verbal warning, 2times it's written, 3times it's final written. Fourth is termination. Panglima ko na yata yun dahil dinidispute pa yung pang-apat ko. Ayun. Filed for termination na ako.

AT dahil wala ang management kapag weekdays kakausapin daw ako ng manager namin ng Monday. In the meantime mag-login daw muna ako. Tangna. Login eh sisisantihin na rin naman ako.

Minabuti ko na magpaalam sa mga ka-team ko that day. I tried to keep it para hindi makaapekto sa trabaho nila pero nalabas ko rin nung naglalabas na ng sentimiento ukol sa kumpanya. Kaya yun. Namaalam na ako at nilinis ko na ang lamesa ko.

************************************************************************************