NOVEMBER PAIN (PART 5 OF 5)
Hindi ako todo blast nung sa interview ko sa ACS kaya malamang sinabihan ako ng "well call you."
Balik eskwela the next day. May masamang balita:
na-dissolve ang isang class ko at na move ang isa. So 3 na lang subjects ko, magkakalayo pa. amputa. Conflict ito pag nagtrabaho ako.
I was thinking of adding more units and going full time. Tinext ko nanay at ate ko. Go daw. Buti pa daw mag-aral na lang daw ako. Tinanong ko pano finances, pano tuition, pano Meralco at tubig if wala akong trabaho. They were offering solutions na hindi ako sang-ayon.
Sabi ko sa sarili ko, the moment na makahanap ako ng trabaho, I will quit school if there's a conflict.
Priority ko ang pamilya ko.
So the next day punta ako Sutherland. Apply tayo.
Ay anak ng jueteng 10am ako nakarating dun. 3pm na hindi pa ako iniinterview!!! 5hours straight promise pare. 5 hours kami nakatunganga trying to be poised. Hindi pa ako naglulunch. mga kasama ko di pa nagbebreakfast. Tangna.
Then nung ininterview na kami I found out why: iisang babae lang ang gumagawa ng interview sa LAAAAHHHHHAAAAAATTTTT ng applicants! tangna! and if I heard her right, yung shift niya started at 12am! 12 mindnight! putangina! 3pm na niya ako nainterview! tangna 15hours straight na siya nagtatrabaho!
heto pa ang superpanalo: after the interview, exam daw. Tapos may lumabas na tiga-HR. Down daw ang server nila. Hindi sila makakapag-administer ng exam. balik daw bukas mga 4pm lahat ng scheduled for exam.
Out of instinct, pagkalabas ko ng building, naglakad ako papuntang convergys.
Pumasok.
Nag-apply.
Ininterview.
Ininterview ulit.
nakapag-exam na ako dati pero ipapag-exam ulit ako the next day but before I took the exam nilahad na sa kin lahat; sweldo, account, contracts, everything. I entered convergys before 5pm; I left the building at 8pm with a promise of a job.
I started today, Tuesday, November 21.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home