BOWOWOWEE

Wednesday, November 22, 2006

NOVEMBER PAIN (PART 1 OF 5)

it's been a crazy month for me so far...

FIRST WEEK:


It's enrollment time once again, and after about a week or two of stable sleep and lesser pressure, I braced myself once again for another semester of headaches. Of meeting deadlines. Of writing reports for professors who can't even speak English or Filipino straight. Of listening to lectures of people who don't take in to their hearts of what they're teaching and are just in for the job to pay their bills. Of traffic and schedules. Naknampucha, working student na naman ulit ako.

Heto na naman po ang mahabang pila. Ang mga classes at skeds na nakapaskil as "Open" and "Available" na biglang nadissolved pala. Ang pagpila sa kulang-sa-ventilation na lobby para magbayad. Ang maghanap ng pambayad.

I got off work before lunchtime and I went to Adamson on Nov 9, Thursday to enroll. Syempre pangalawang sem ko pa lang sa Adamson and wala naman talaga akong barkada or peer group doon, at hindi ko pa nakuha na tumambay lang around the campus, hindi ko alam ang enrollment procedures. Sabi ng babae sa gate kailangan daw naka-uniform. Pinauwi ako. Pakshet.

Friday. November 10. Bumalik ako sa Adamson wearing my complete uniform around 2pm. Last day of enrollment na kaya pinapapasok na nila ang mga hindi naka uniform at naghahabol. anaknganamanngtinapa.

Pumunta ako sa cashier's office to pay my previous balance. Ayos. 5minutes tapos na ako.

Next is registration for the next sem. Dahil nagbayad ako for the last sem hindi naging sapat ang budget ko for the upcoming sem. Pwede daw promissory note. Kausapin ko lang muna ang Finance Head.

No problem sana, kaso nasa meeting pa ng mga administrators ang Finance Head at mayroong at least 15 people inside the office naka pila para kausapin siya about promissory notes. Wala pa yan sa pila sa labas. Sabi ng stressed-pero-trying-to-be-poised na secretary na sulatan ko daw yung promissory note form at balik-balikan ko na lang. The time then was 2:30.

kumuha na ako ng list of subjects na pwede ko kunin. Sabi ko since nagpalipat ako sa ibang schedule I can take up more units. Kaso lahat ng units na kailangan ko pang-gabi. Hindi ako pwede mag-aral sa gabi dahil may pasok ako sa trabaho. So back to 4 subjects lang ako. Pwede na.

Bumalik ako ng 3pm. Hindi pa nakakabalik yung Administrator. Naghintay lang ako sa pila for about 40mins. Finally dumating yung Finance Head, kinuha lahat ng promissory note forms at pinirmahan isa-isa. it took her 5 minutes para pirmahan ang form ko and it took me almost an hour just to wait.

At heto na ang patakbo-takbo, from the Department's Head office para magpa-approve ng sked to pagpunta sa encoding para magparegister and sa cashier's ulit para magbayad. 5:20 natapos ako. Yes. Enrolled ako.

November 11. Saturday. Pumasok ako sa office. Ayos ang opisina pagpasok ko. 2 teams ang dapat maglo-login. Team 1 was logged in but wala yung Coach nila. Naka-leave. Team 2 kami. Kakapromote pa lang less than a week ng bago naming Coach. At sa unang weekend niya sa office, 2teams kagad ang papangunahan niya. Panalo.

Heto pa: Down nanaman ang server!!! Putangina might as well patayin na lang namin ang computer dahil scheduled na buong araw down ang server.

Superpanalopoints#3: Tinignan ko ang monitors. May bago akong monitor na pumasok. Tier Escalation na naman. Pang-lima na. Sa industriya namin sa call center, Tier Escalation means that you did something really really really stupid. And I did. Hindi ko nasabi lahat ng kailangan ko sabihin. One time it's verbal warning, 2times it's written, 3times it's final written. Fourth is termination. Panglima ko na yata yun dahil dinidispute pa yung pang-apat ko. Ayun. Filed for termination na ako.

AT dahil wala ang management kapag weekdays kakausapin daw ako ng manager namin ng Monday. In the meantime mag-login daw muna ako. Tangna. Login eh sisisantihin na rin naman ako.

Minabuti ko na magpaalam sa mga ka-team ko that day. I tried to keep it para hindi makaapekto sa trabaho nila pero nalabas ko rin nung naglalabas na ng sentimiento ukol sa kumpanya. Kaya yun. Namaalam na ako at nilinis ko na ang lamesa ko.

************************************************************************************

0 Comments:

Post a Comment

<< Home