BOWOWOWEE

Thursday, October 19, 2006

after breaking up stages

Pagkatapos nyo mag-break, merong HEARTBROKEN stage. Yun yung every 5mins mo ichecheck cell mo kung nagtext siya. Yun yung dadaan ka sa harap ng bahay nilap pero ni hindi ka kakatok. Yun yung stage na ilalayo ng mga kaibigan mo lahat ng matatalas na bagay na pwede mo maabot kapag nasa videoke kayo at merong kumanta ng "IRIS" or ng "FOREVERMORE".
Tapos nun siguro kahit for 5 mins dadaan ka sa HATRED stage. Yun yung masasabi mo kahit isang beses lang na "TANGINA NYA!" with solemnity and sincerity. Timeframe nito is anytime from 5minutes to 5 lifetimes.
Afterwards merong GETTING OVER stage. Nagsisimula ito pag nagkaroon ka ng crush ulit, kahit sa TV lang. Marerealize mo na kaya ka pala pakiligin ng ibang tao. During this stage rin na merong kang RESBACK. Heto yung part na INTENTIONALLY mo ibe-break ang isang promise na tinago mo sincerely from him/her. Nag swear ka sa kanya na hindi hindi, AT HINDI mo gagawin yon, pero dahil break na kayo at gusto mo makadama ng sense of liberation at revenge ay gagawin mo yun for the heck of it. wehehehe

SEMBREAK

"Dear Kim,
Kamusta ang bakasyon mo?
Heto pa rin nababato
Bad trip talaga 'tong Meralco
Bakit brownout pa rin dito..."
Kung hindi ninyo nakilala ang nasa ibabaw ay kanta yan na "sembreak" ng eraserheads. Probably the greatest band that there ever will be in the Philippine music history. They should include the Eraserheads in the current Music curriculum, and study the culture of Ely Buendia's songs.
Tapos na ang unang semester ko sa Adamson. Natapos na rin. Finally. Ayoko man aminin pero medyo na-stress rin ako going back and forth. School to bahay to work then to school. Ang 24 hours ng isang araw ko ay nahati sa tatlo since June. So medyo thankful ako na sembreak na.
Although Im not as stressed as I once was in UST. For some reason mas stressed ako noon. Siguro kasi talagang mas mahirap lang doon. Or dahil mas mabigat na load ko, worried pa ako sa trabaho at sa bahay. At least ngayon natutunan ko bumalanse.
Tumawag ako sa ABSCBN kanina regarding my application. I'm applying kasi for a position there. Naka-final interview na ako then they'll call me daw. 2weeks ala pa rin phone call. So tumawag ako. Ang excuse ko eh sabi ko nasira cellphone ko so I'm just calling to see if they have been calling me. Kunyari lang. SABI NILA NASA ACTIVE FILE DAW AKO. yeah, right. as if wala akong kakilalang nagtatrabaho sa HR Department ng mga iba't ibang opisina. Alam ko na yung spiel na yun. Superpanalotothemax.
Ganito ang sembreak. Tambay sa netshop para manood ng mga WWE videos (kahit na WWE Divas pinapanood ko. Di naman masama eh; mas malala pa nga itong katabi ko. akala ko masculado. Potah biglang napansin ko nung sumandal ako na ang sinu-surf eh MGA PUTANG INANG LALAKING NAKA PUTANG INANG BRIEF LANG AT MGA NAKA-BAKAT ANG TITE!!!)
Wala lang pong magawa. Isa lang po itong shoutout. Hindi worth basahin.
***

Wala na akong alam sa balita ngayon. Although once in two weeks lang ako bumibili ng dyaryo, same old stuff pa rin naman eh.
Si Gloria pa rin yung Presidente ng Pilipinas.
May nagwewelga pa rin tungkol sa nangyari noong 2004 elections at sa kumalat sa CD.
Nasa P50+ pa rin ang piso laban sa dolyar.
Hindi pa rin kilala ang mastermind sa mga nagpapatay kay Ninoy, kay Bobby Dacer, kay Nida Blanca.
Mayaman pa rin si Imelda.
Naaabsuwelto pa rin si Imelda sa korte.
si De Venecia pa rin ang Speaker of the House.
si Binay pa rin ang Mayor ng Makati.
Si Bayani Fernando pa rin ang nasa MMDA.
May langis pa rin sa Guimaras.
May puno at billboard pa rin na kakalat-kalat
Marami pa ring pirated CD ad DVD sa Quiapo at Greenhills
May pinatay.
May nirape.
May nasunugan.
May naaksidente.
Maganda pa rin si Bianca Gonzales.
Maganda pa rin si Toni Gonzaga.
May kumakalat pa rin na balita na bakla si Piolo Pascual.
Papalit-palit pa rin ng ka-love team si Angel Locsin; either si Oyo boy or si Richard Guitierrez or si Dennis Trillo.
Malupit pa rin sa chicks si Vic Sotto.
Getz nyo ko? What's so exciting about the world right now?
+++
Ayoko pag-usapan lablayp. Nakakasawang topic eh. Lab ko gelpren ko pero tapos na yata ako sa romantic stage.

quote from BRET "THE HITMAN" HART



"I've wrestled for 23 years and it's not easy to go out there every night and describe yourself as the best there is, the best there was and the best there ever will be... The best chance you have if you wanna rise to the top is to give yourself up on loneliness. Fear nothing and work hard. Life is based less than you think on what you've learned, and much more than what you've learned and what you've had inside you right from the beginning."

- Bret "The Hitman" Hart

BASIC RULES ABOUT BLOGGING

HONEST
TO
THE
GODDAMN
GOODNESS
HINDI
AKO
MARUNONG
MAG-EDIT
NG
BLOG
HINDI
AKO
MARUNONG
MAGLAGAY
NG
MEMBERS
HINDI
AKO
MARUNONG
MAGDESIGN
NG
LAYOUT
O
NG
BACKGROUND
PLEASE
LANG
PENGENG
ASSISTANCE