BOWOWOWEE

Wednesday, November 22, 2006

NOVEMBER PAIN (PART 4 OF 5)

KAPAG IKA'Y NAWALANG NG TRABAHO...

EH DI MAG-JOB HUNTING!!!

First stop: isang maliit na kumpanya ang naghahanap ng staff writer sa Salcedo Village, Makati.

Ayos. Kahit maliit lang sweldo, at least Makati. And at least interes ko ang magsulat.

Sumakay ako ng taxi para hindi maligaw. Lumiko kami sa LP Leviste St at hinanap yung Champaca Bldg. eh nasa corner lang pala siya nung lumiko kami at maliit lang sign niya kaya di ko nakita. Nung pagdating namin sa dulo bumaba na ako at naglakad pabalik. Ayun. Nakita ko rin.

Interview. 2 kaming nagaantay. Ako at isang applikante bilang videographer.

Ayos ito, sabi ko. Baka multimedia firm or ad agency.

Pagpasok ko sa loob, ininterview ako ng secretary / front desk na girl. The usual: tell me something about yourself, how long have you been working, etc etc etc. the usual HR questions. then the bomb dropped.

"Komportable ka ba magsulat ng mga adult materials? Kasi we are a publication that caters to an adult audience. Mga articles namin yung para sa FHM, mga sensual, parang ganoon... pero sa abroad pinupublish..."

Whoa. Adult material being exported?

Exam. May pic ng babae at lalaki na nakahubad. Buhat buhat ni lalaki si babae. walang pinapakitang malaswa.

Ang title at topic: SOMETHING REAL (AN ESSAY ABOUT HOMOSEXUALITY).

Tangna napapakamot na ako ng ulo a.

Nakita ko yung "production floor" nila. Mukhang call center bay. about 30-something na tao nakaharap sa computer, may suot na headset and typing. later may naririnig ako about yung SOHO Hotel daw sa makati.

Tinapos ko ang essay ko (i wrote about homosexuality and sensuality in the philosophical sense; mejo divine ang essay ko) at lumayas. tangna magiging porn writer pa yata ako.

So back to the call center list.

Pinaka-malapit na call center from the office na pinanggalingan ko: ACS.

Sabi sa akin mayroong 2 call centers in makati na parehong pangalan ay ACS. Advanced Contact Solutions sa RCBC Tower at may isa pa na sa may parang brown na building naka-base. Ayoko sa ACS at mayroong MCI account dun. kagagaling ko lang sa MCI na account at kailangan ko maghanap ng iba pang account. so pumunta ako sa ACS na brown na building, thinking that it's the one w/o the MCI account.

nagkamali ako. yung brown the building yung Advanced Contact Solutions. Yung may MCI account. yung iniiwasan ko. Next in line na ako sa interview nung malaman ko.

Tangama too late. Ituloy na natin ang pagaapply.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home