BOWOWOWEE

Sunday, October 22, 2006

PUTANGINA!!! ANG HIRAP MAGSULAT!!!

Promise...

ang hirap magsulat.

Huwag kayong magpapaniwala sa mga taong magsasabi otherwise.

Mahirap magsulat.

Dahil sa pagsusulat, gumagawa ka ng kaluluwa.

Sa bawa't sanaysay, tula, dula, katha, at vandal sa pader na ginagawa mo, nagbibigay ka ng buhay.

Nagsasagawa ka ng isang kaisipan at ng isang kaluluwa na magdedefine sa isang karakter.

Sa sinusulat mo, masasabi ng mambabasa ang iniisip ng kaluluwa na ginawa mo. Ang paninindigan niya, ang saloobin niya, ang gusto at ayaw niya, ang paniniwala niya, ang mga pangarap at mithiin niya.

Makikita ng mambabasa kung ano ang pag-ibig para sa kaluluwa na ginawa mo.

Kapag nagsusulat ka, nagiging Diyos ka.

at hindi madali maging Diyos.

********************************

Writing is an art daw.

Kamakailan lamang ay napadaan ako sa Megamall kung saan may art exhibit na ginagawa. Tiningnan ko ang mga paintings.

Maganda.

May symmetry.

Nakakaailw ang kulay.

Pero hindi ko lubusang maintindihan.

dito ko naisip; hindi kaya na kaya ako hindi makagawa ng matitinong imahe sa mga sinusulat ko ay dahil wala akong mata para makakita ng imahe?

Art isn't learned.

I can't learn art; I can learn how to appreciate it. I can learn how to define and determine it. But I cannot learn it.

One doesn't learn writing.

One doesn't learn on how to be a God.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home